CAVAN – Dalawang buwan pa lang sa isang liblib na lugar ng Ireland ang anim na Pinoy technicians na nagtatrabaho sa isang insulation company sa Cavan.
Nitong nakaraang Father’s Day nakapag-relax ang mga OFW tatay sa kanilang commune home malapit sa kanilang workplace.
Ang masisipag na skilled workers ay nanabik sa kanilang pamilya, hangad nilang makasama ang kanilang pamilya sa maliit na bayan ng Kilnaleck. Sila ay sina Allen Del Rosario (Cebu), Hipolito Betiz (Quezon City), Francis Dimaala (Taguig), Fredie Jose (Ilocos Norte), Loreto Limbera (Pampanga), at Jonathan Dumancas (Iloilo).
Ikinararangal nilang sila ang unang mga Pilipino na nakapagtrabaho sa kanilang kumpanya.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Republic of Ireland, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Source: ABS CBN

